Aling Alamat Sa Ilog Pasig Ang Iyong Nagustuhan At Bakit?
Aling alamat sa ilog pasig ang iyong nagustuhan at bakit?
Isang bersyon ng Alamat ng Ilog Pasig na aking nagustuhan ay ang kwento na tungkol sa isang magkasintahan.
Isang magkasintahan ang namamangka sa isang ilog. Ang lalaki ay isang kastila at ang babae naman ay isang mayumi na Filipina. Sa kanilang pamamangka, may nakitang magandang bulalak na lumulutang sa ilog ang kasintahang babae na si Paz. Pilit niya itong kinuha subalit dahil sa kanyang pagpupumilit ay nawalan ng balanse ang kanilang bangka at doon ay nahulog ang kanyang kasintahan na kastila. Hindi marunong lumangoy ang kasintahang lalaki kung kayat panay ang pagsigaw nito sa paghingi ng tulong ng "Paz sigueme! Paz sigueme!" na ang ibigsabihin ay "sundan mo ako at iligtas mo ako!". Sa kinasawing palad, hindi nagawang mailigtas ng dalaga ang kasintahang kastila at sa kanyang alaala ay ang mga huling salita nito na "Paz sig..." Dahil rito, ang ilog ay tinawag na Paz-sig o Pasig.
Nagustuhan ko ang alamat na ito sapagkat pawang makatotohanan ang mga pangyayari sa kung paano naging "Pasig" ang tawag sa Ilog Pasig ngayon. Bagamat malungkot ang kinahinatnan ng magkasintahan, ito ay isang magandang pangaral sa bawat isa na upang masagip natin ang ating minamahal sa buhay, dapat lamang na matutunan natin ang ilang mga bagay-bagay tulad na lamang ng paglangoy.
Ang alamat rin na ito ay nagbibigay aral na sa isang relasyon, maraming pagsubok ang maaaring dumating, subalit tulad ng pag-agos ng isang ilog, dapat lamang na magpatuloy pa rin sa ating buhay.
Karagdagang kaalaman:
Comments
Post a Comment