Buod Sa Noli Me Tangere Kabanata 25

Buod sa Noli Me Tangere Kabanata 25

Noli Me Tangere Kabanata 25

" Sa bahay ng Pilosopo"

Buod:

Si Crisostomo Ibarra ay pumunta sa bahay ni Pilosopo Tasyo.At naabutan niya ang matanda na nagsusulat uuwi na sana siya iniisip niyang abala ito.Ngunit napansin siya nito at Pinatuloy. Nakita niya na ang sinusulat Ni Pilosopo Tasyo ay isang Jeroglifico,ayon sa matanda kaya ito ay nakasulat sa jeroglipiko ay para hindi mabasa iyon ng iba,iyon ay para daw sa mga susunod na henerasyon. At humingi na nga ng payo si Crisostomo Ibarra tungkol sa pagpapatayo niya ng isang paaralan,ngunit tinangihan siya nito dahil alam daw ng matanda na wala sa tamang pag iisip ang tingin ni Ibarra sa kanya katulad ng iba.Ayon sa matanda humingi daw ng payo si Ibarra ay ay sa kura,kapitan ng bayan at mga mayayaman.

Sabi ni Pilosopo Tasyo na magkunwari lamang na sundin ang mga payo ng mga ito.Pumayag naman si Crisostomo,subalit nanghingi parin naman siya ng tulong at pumayag naman si Pilosopo Tasyo. At nag usap ang dalawa tungkol sa simbahan at sa pamahalaan.Nagtalo ang dalawa dahil ang paniniwala ni Tasyo na ang Gobyerno ay kasangkapan lamang daw ng simbahan. hindi nanalo si Ibarra sa kanilang Argumento at nakinig na lamang siya sa payo ni Pilosopo Tasyo na kailangan munag yumuko ng ulo sa mga naghahariharian . Ngunit hindi rin maintindihan ni Ibarra ang payo kaya siya ay nagtanong 1.) kaylangan bang yumuko at mapanganyaya? pangalawang katanungan 2.) kailangan bang mang api upang maging mabuting kristiyano 3.) bakit ako mangagayupapa kung nakapagtataas na ako ng ulo? Sumagot si Pilosopo Tasyo sa mga katanungan niya ayon dito sila ay mahihina at hindi makakayang lumaban, kaylangan muna nila na humalik sa mga kamay at sumunod sa mga utos,tumigil na nga si Crisostomo sa pakikipagtalo at nanghingi nalang ulit ng payo sa matanda.Inaya ni Pilosopo Tasyo sa may Bintana si Ibarra at inihantulad ang  mga puno at rosas,ito daw ay yumuyoko kapag may hangin upang di matangay o mabali.At sa kahulihan nga ng kanilang pag uusap ay nagtanong si Ibarra kung ano ang dapat niyang gawin sa Kura Nagbigay naman ulit ng payo ang matanda at sinabi nito na sana ay magtagumpay si Ibarra.pagkatapos noon ay lumisan na si ibarra sa bahay ni Pilosopo Tasyo.

i-click ang link para sa karagdagang kaalaman sa Noli Me Tangere

brainly.ph/question/283777

brainly.ph/question/2083849

brainly.ph/question/1652889


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Ibig Sabihin Ng Nagbubuhat Ng Sariling Bangko

The Length, Width And Diagonal Of A Rectangular Parallelepiped Are 13.4ft., 15.2ft., And 35ft. Respectively. Find The Volume Of The Solid.