Ipaliwanag Ito "Ang Pagmamahal Ni Huli Sa Kanyang Mga Magulang Ay Nagpapalakas Sa Kanya, Samantalang Ang Pag-Ibig Niya Kay Basilio Ay Ang Kanyang Kahi

Ipaliwanag ito "Ang pagmamahal ni Huli sa kanyang mga magulang ay nagpapalakas sa kanya, samantalang ang pag-ibig niya kay Basilio ay ang kanyang kahinaan".

"Ang pagmamahal ni Huli sa kanyang mga magulang ay nagpapalakas sa kanya, samantalang ang pag - ibig niya kay Basilio ay ang kanyang kahinaan."

Paliwanag:

Ang ibig sabihin ng kasabihan nito ay ang pagmamahal ni Huli sa kanyang mga magulang ang nagtutulak sa kanya upang maging malakas at maging buo ang loob na suungin ang mga pagsubok tulad na lamang ng pagpapaalipin kay Hermana Penchang kapalit ng sapat na halaga na magagamit niya upang matubos ang ama mula sa kamay ng mga tulisan na bumihag dito. Hindi niya maaatim na manilbihan bilang tagasilbi kung hindi sa pagmamahal niya para sa kanyang mga magulang. Samantalang ang kanyang pag ibig naman kay Basilio ang nagdala kay Huli sa panganib sapagkat inilapit niya ang sarili sa taong sisira ng kanyang buhay upang hilingin mula dito na palayain ang kanyang kasintahan na si Basilio. Wala sa hinagap ni Huli na pagsasamantalahan siya ng prayle kapalit ng paglaya ni Basilio kaya naman sa labis na takot ay tumalon na lamang ito sa bintana ng kumbento. Sapagkat hindi matanggap ni Huli na mababahiran ang kanyang pagkababae na matagal niyang iningatan. Nais niyang pagsisihan ang ginawang paglapit kay Padre Camorra ngunit huli na ang lahat. Marami ang naniniwala na hindi natuloy ang tangkang panggagahasa kay Huli sapagkat ito ay nahulog mula sa bintana ng kumbento na siya niyang ikinasawi.

Read more on

brainly.ph/question/2102148

brainly.ph/question/2089957

brainly.ph/question/545632


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Ibig Sabihin Ng Nagbubuhat Ng Sariling Bangko

The Length, Width And Diagonal Of A Rectangular Parallelepiped Are 13.4ft., 15.2ft., And 35ft. Respectively. Find The Volume Of The Solid.